Thursday, September 3, 2009

Ang Kabataan sa Panahon Ngayon

Dindo Natanauan

Ano nga ba ang kabataan sa panahon ngayon? Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang syang pag-asa ng ating bayan", paano mo ito ipaglalaban? Maraming kabataan sa panahon ngayon ang maagang naliligaw ng landas, dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ito ang dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng ilan sa ating kabataan. Ang hindi mapuksang pagkalat ng droga at at iba pang ipinagbabawal na gamot ang nagtutulak sa isipan ng mga kabataan na gumawa ng krimen, mga marahas na nagdudulot ng kanilang kapamahakan. Masasabi na pa nilang sila'y pag asa ng ating bayan?

Meron na ring kabataan sa panahon ngayon ang menor de edad pa lamang ay meron nang asawa ngunit kadalasan ay maaga rin silang naghihiwalay dahilan rin ng kakulangan nila sa kaalaman sa pamumuhay bilang isang magulang. Hindi na nila natapos ang kanilang pag aaral sapagkat nahihirapan silang pagsabayin ang pag aaral at pag aalaga sa kanilang anak. Meron din naman na gusto pa ring tapusin ang pag aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak nagkulang ba ng pangaral ang ating mga magulang o sadyang tayo ay hindi sumusunod at may katigasan. Nakakalungkot isipin na may kabataan sa panahon ngayon ang nasira na ang buhay. May pag-asa pa kaya ang ating bayan kung ganito na ang lahat ng kabataan? Kaya't mapalad tayong mga kabataan na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.

Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa atin ng panginoon sapagkat meron pang magandang kinabukasan ang naghihintay sa atin. Maging huwaran tayo sa magandang pag-uugali upang mamulat ang marami pang mas nakababata sa atin na sa magandang asal. Bilang pangwakas meron akong katanungan sa inyong isipan. Ikaw bilang isang kabataan, anong tulong ang iyong maibabahagi tungo sa pag-unlad na ating bayan?

1 comment:

  1. Maraming salamat nakakatulong 'to saking kapwa kabataan ang ganda ng mensahe...pede ko rin tong gamitin sa talumpati namin ngayong huwebes.

    ReplyDelete