Atalie O. Arguil
Ano ba ang kapayapaan? Meron ba tayo nito? Saan natin makikita ito? Ito lamang ang tatlo sa mga katanungan ng kabataan natin ngayon. Bilang isa sa mga kabataan hindi natin alam ang ibig sabihin ng "KAPAYAPAAN" sa kadahilanan ng mga nangyayari sa paligid natin.
Maraming karanasan ang binabalita sa pahayagan, telebisyon at radyo. Parang pangkaraniwang musika na ng ating tainga sa ngayon ang mga patayan sa iba't-ibang sulok ng bansa. Sabi nga ng mga nakatatanda mahirap na matagpuan sa bawat isa sa atin ang salitang kapayapaan. "Kapayapaan pagmamahal sa iyong sarili at sa iyong kapwa" ito ang tunay na ibig sabihin ng kapayapaan. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit, hindi madamot sa mga bagay na mayroon siya. pagbibigyan at pagintindi sa bawat isa. Mahirap makuha ito sa ngaun ngunit sa tulong ng bawat isa at pagmamahal sa kapwa makakamit natin ito. Makikita ito sa bawat isa sa atin kung mag uunawaan tayo at tamang pagkakaintindihan makakamit natin ito.
Bilang isang kabataan sisikapin ko na ipakita sa sarili kong pamamaraan ang salitang "KAPAYAPAAN" sa pamamagitan ng pagmahal ko sa aking sarili at mga taong nakapaligid sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
BKIT MAY DISKRIMINASYON
ReplyDelete( JUBANNY E. FELIAS)
Kung tatnungin ko kayo ngayon, naranasan nyo na bang hamak hamakin, maliitin, apihin at maging biktima ng diskriminasyon? Malamang na dahil ito sa kulay ng inyong balat, relihiyon, kalagayan sa buhay, kasarian, kapansanan, o maging dahil sa edad. Kaya nandito ako sa sa inyong harapan upang magpahayag tungkol sa mga kalagayan ng mga nabibiktima ng diskriminasyon.
Ang mga biktima ng diskriminasyon ay kadalasan ng takot na makaranas ng mas matindi pang pang aapi. Bujod diyan, ang mga biktima ng diskriminasyon ay baka mahirapang makahanap ng trabahoo hindi gaanong asikasuhin sa ospital, hindi makakuha ng magandang edukasyon, at mapagkakitaan ng ilang pribelihiyo sa lipunan at karapatan sa batas.
Kapag pinahihintulutan ng gobyerno ang diskriminasyon, maari itong mauwi sa napakalupit na mga gawa gaya ng paglipon sa isang grupong mga tao at mga di kalahi. Kahit may mga batas ang gobyerno laban sa diskriminasyon laganap pa rin ito sa ngayon.
Kaya nga sa pandaigdig na deklarasyon ng mga karapatang pantao. Sa Artikulo 1 ay kababasahan ng ganito. Lahat ng tao ay ipinanganak na Malaya at may pare parehong dangal at karapatan. Silang binigyan ng budhi at ng kakayahang mag – isip at dapat makitungo sa isa’t isa espiritu ng pakikipagkapatiran.
Kaya nga sa kabila ng napaka gandang simulating iyan, laganap pa rin ang diskriminasyon sa buong daigdig. Kaya, totoong hindi natin maalis ang diskriminasyon sa palibot natin. Pero pwede nating alisin ang doskriminasyon na posibleng nasa puso natin.
Kaya mahalagang kilalanin na kahit sino sa atin ay may tradisyong magtangi. Naka ulat sa aklat ng “ Understanding prejudice and discrimination”. Na ang lahat ng taong nakapag iisip at nakapag sasalita ay may kondisyong magtangi. Kaya dapat malaman ng baawat isa sa atin na ang pagtatangi , panlalait at maging pang aapi ay isinusuong lang natin an gating sarili na makisuporta sa lumalaganap na diskriminasyon sa ating tinatahanang daigdig.
Ang pinaka mabisang paraan para labanan ang diskriminasyon ay ang Edukasyon. Halimbawa, isinusulat ng tamang edukasyon ang puno’t dulo ng diskriminasyon.
Tutulungan din tayo nito na suriin ang ating saloobin nang mas timbang at harapin ang diskriminiasyon sa wastong paraan kapag nagging biktima tayo nito. Kaya kung wastong paraankapag naging biktima tayo nito. Kaya kung maisasapuso natin at magpapakita natin sa ating mga gawa ang paglaban sa diskriminasyon at tuluyang pagsugpo ditto. Marahil ang lahat ng tao ay makakapamuhay na ng pantay pantay at malayo sa gulo ng dulot ng diskriminasyon.
KAHALAGAHAN NG ATING KASAYSAYAN
ReplyDeleteGIAN CARLO TEODORO)
KAsaysayan ang simula sa pagbuo ng mithiing Pilipino.
Mahalagang mabigyang – pansin ang katuturan at kahalagahan ng
Kasaysayan sa bawat Pilipino nang sa gayon, makabubuo sila
Ng bansang Pilipinas para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang
Henerasyon.
Ang pag alam ng kasaysayan ng isang lahi ay simula ng pagbubuo
Ng pambansang integridad. Karaniwan na nating sinasabi
Na ang kasaysayan ay isang agham panlipunan na ang nag- aaral ng mga pangyayaring nakaraang panahon, upang maunawaan ang kasalukuyan.
Ang mga pangyayaring ito ay kinapapalooban ng mga nagawa ng tao. Sa iba’t ibang panahon, ang kanilang paghihirap, tagumpay, at ang mga pagharap nila sa hamon ng kanilang panahon at lugar na dapat nating ingatan o ipagmalaki.
Ngunit may iba’t ibang pananaw ang mga dalubhasa o mas kilala sa tawag na historyador. Ayon kay LAtsurette ( 1965 ) ang kasaysayan dawa ang pag –aaral ng kasalukuyang pangyayaring nagaganap sa pulitika. Ngunit ang pulitika ay hindi madaling maintindaihan sa makatuwid, maiintindihan ang nagaganap sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagbablik sa nakaraang kultura. Para sa kanya, ang katuturan ng kasaysayan ay maingay sa nakaraan. Si Becker ( sa Banks 1985 ) ay nagbigay ng bagong buhay sa pag -aaral ng kasaysayan nung sabihin niyang “ mahuhugis lamang natin ang hinaharap ng bansa kung babalikan natin ang nakaraan.” Hinatis a dalawang bahagi ang kasaysayan ito bilang isang disiplina, ito bilang isang pananaw. Ang disiplina ay tumutukoy lamang sa mga nakasulat na dokumento ng nakaraan kundi pati narin yung hindi nakasulat na may malaking kinalaman sa pagbabago ng lipunan.
Ngunit kung ako ang tatanungin ang pinaka importante ay ang sinabing kataga ni Zues solangan na ang pinakaimportante sa katagang kasaysayan ay ang kahulugan nito, ang saysay. Ang ulat ay para sa atin mismo para sa ating grupong iyon mismo, kaya’t dito mahalaga ang sariling wika. Kaya’t bilang isang Pilipino nararpat lang natin gamitin at tangkilikin ang kultura at wikang Pilipino upang maipag patuloy natin ang kagandahan ng aing kasaysayan.
NASAN NA ANG PAGMAMAHAL MO!
ReplyDelete( MARK NEIL J. DE LOS REYES )
Naranasan mo na bang masaktan ng dahil sa pagmamahal? Napaiyak ka dahil iniwan ka ng taong pinakakamahal mo? At tinanggap ang lahat ng sakit ng nararamdaman mo para lang palayain siya, ang sakit diba? Ginawa mo na ang lahat para lang maging masaya siya sa piling mo.
Ang pagmamahal nga naman, di mo alam kung tama ba o mali ang ginagawa mo! Naalala mo ba ang mga sinabi niya bago ka iwan, nangako siya na di ka nya ipagpaplit at iiwan. Bakit pa nila sinsabi ang mga salitang iyon kung hindi nila gagawin. Pinaasa lang tayo, pinag laruan, sinaktan ang ating mga damdamin at pagkatapos ng lahat ang sasabihin sayo, patawarin mo na ako, di ko naman sinsadyang saktan ka, para san ba ang pagpapatawad kung alam naman nilang mali ang ginawa nila. Sabagay hindi naman natin hawak ang mga puso ng iba, ang nararamdaman nila para sa isang tao.
Dahil sa mahal mo ang taong yun, pinatawad mo siya, pero papayag kabang saktan ka niya ulit, lahat gagawin mo wag lang siya mawala sayo. Hindi ang taong magmamahal ay sobra, mas tanga ang taong minamahal ng sobra,pero nagawa pang maghanap ng iba…
Nagpapakatanga ka sa isang taong mahal mo pero iba naman ang mahal nito. Mas gugustuhin ko pang palayain siya kesa saktan niya ang pusong walang ginawa kundi ang mahalin siya.
Masakit Makita ang isang tao na hinihiling mo maging sayo…pero masaya sa iba, ngunit wala ng mas sasakit pa sa isang tao na nasayo na nga umiibig naman sa iba.
Mahirap tanggapin at mahirap itayo ang nararamdaman ng isang taong nasasaktan, pero nakukuha pang niyang ngumiti kahit na masakit para sa kanya.
Lahat ginawa ko para lang maging masaya ka sa piling ko pero di ko kaya, pagod na ako, sawang sawa na akong magmahal….. tamana!!! Ayoko ng muling masaktan pa, takot na akong magmahal di ko na alam ang gagawin ko… pasensya na ,tao lang ako na ang hinahangad sa buong buhay ko ay mahalin din ako ng taong mahal ko.
Kaw kaya mo pa bang magmahal kung sasaktan ka lang ng taong minamahal mo?
hello0w poh ang ganda ng gawa nyo^_^
ReplyDelete