Angelo Asendido
Malaki ang ugnayan ng tao at ng kalikasan. Sa loob ng mahabang panahon,malaki na ang naging pakinabang ng tao sa kalikasan.Ngunit alam nga ba ng ilan kung paano tayo natutulungan ng kalikasan?Sa anong paraan at kung kailan? Ano nga ba ang kahalagahan sa atin ng kalikasan?
"Kalikasan",simpleng katawagan sa lugar kung saan tayo naninirahan at kumukuha ng pangangailangan.Pagkain,damit at tirahan,tatlo lamang sa pangangailangan ng tao para mabuhay.Kung ating mapapansin sa ating kapaligiran,ang mga nagtataasan at naggagandahang kabundukan,mga ilog,lawa at malalawak na karagatan,hindi ba't nagbibigay ito sa atin ng ating mga kailangan. Ngunit sa daan-daang taon na ugnayan ng tao sa kalikasan, nariyan ang pandaigdigang pag-init ng mundo, pabago-bagong klima, pagbaha at pagami ng basura.
Hahayaan lang ba natin na masira at tuluyang mawala ang biyaya na bumubuhay sa atin? Hahayan na lng ba na sama-samang masira,dahil sa kasalanang ating pinasimulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment