Tuesday, September 8, 2009

Sumayaw Ka!

Churchill Papileras

Magandang araw sa ating lahat mukhang mga nilalambot kayo..Para kayong halaman na kulang sa tubig..Tumayo tayo lahat bibigyan ko kayo ng isang pangpasigla isang sayaw,nang mabuhayan kayo..

Ayan mukhang nabuhayan na kayo..Alam niyo mga kababayan,ang pagsasayaw ay hindi lamang sayaw ito rin ay ehersisyo sa katawan natin,nakakatulong din ito para ang mga buto natin sa katawan para hindi kumunat..Napapanood niyo yung mga sumasayaw sa wowowee..Pag tanda ng mga yun hindi sila bigla-bigla manghihina,dahil ito sa pagsasayaw nila..Tingnan ninyo si aling jonesia,matanda na siya pero kahit matanda siya malakas pa rin siya,mahilig kasi siyang sumayaw...

Kaya ano pang?hinihintay ninyo "Sayaw Na"
para din ito sa atin,makakatulong ito sa kalusugan mawawala ang mga taba,taba natin sa katawan..Malalayo pa tayo sa mga sakit,tulad ng Diabetes at iba pang sakit..Yan lang po ang maipapayo ko sa inyo,kaya wag nating itong balewalain...

“DROGA”

JULIUS SER REYES

Magandang umaga sa inyong lahat aking mga tagapakinig. Ito’y bato bato sa langit akala ninyo ito’y biro pero lahat ay totoo.Isang chemical at solidong bagay ngunit sa usok lamang nito ay pumapasok at sumisira sa bawat himaymay ng utak at laman loob ng tao. Hindi lamamng ang mga kabataan ang gumagamit nito, pati na rin ang mga matatanda ay sumasali dito.

Ang masuwerte sa pangyayaring nito ay ang mga drug lord na yumayaman. At hindi sila mahulihuli dahail kaya nilang bayaran ang batas. Oh… gobyerno ng pilipinas saan ba patungo an gating batas marami na ang nasira, marami na rin ang pumapatay; marami naring nawasak na buhay, kayong mga DRUG LORD at pusher may konsensya ba kayo?Sa mga gumagamit nito sana gawin na lamang ninyong experience ang pag gamit nito. Alam ninyo at alam nating lahat na wala namang mapapala ditto diba.

Sa mga magulang alagaan nating mabuti an gating mga anak. Lagi natin silang kakausapain baka malungkot sila at mayroon silang problema, baka sa pag gamit ng drugs, doon nila makuha ang kanilang kaligayahan.
Huwag nating pabayaan na mang yari iyon.,

BATA,BATA... EMO KA BA??..

ED RICHARD PACANA

MADILIM NA HAPON SA INYONG LAHAT. WARING UULAN. TILA BA NAKIKIRAMAY SA AKING KALUNGKUTANG NARARAMDAMAN. PINANININDIGAN NG MALULUNGKOT NA KANTA NA AKING PINAKIKINGGAN. NANINIWALA KA PA BA NA MASARAP MABUHAY?. MARAMI SA ATIN ANG NAWAWALAN NA NG PAG-ASA, PERO SINO NGA ANG TUNAY NA MASAYA PAANO ITO MAKUKUHA?

HINDI LAMANG SA MATERYAL NA BAGAY ITO MAKUKUHA. MAY ILAN NA KAHIT NA SA KANYA NA ANG LAHAT AY HINDI PA MATAGPUAN ANG KALIGAYAHANG INAASAM. WARING SILA AY SA SALAT SA PAGMAMAHAL, WALANG MAITUTURING NA PAMILYA, KAIBIGAN AT TUNAY NA NAGMAMAHAL. MARAHIL SUNDAN MAN ITO NG MAGANDANG KAPALARAN MAUUWI PA RIN SA MASIDHING PAGKAKAHIWAHIWALAY. KAILANGAN NGA BANG LAGING GANITO ANG BUHAY? KUNG SINO PA ANG TAONG INAASAHAN MO YUN PA ANG UNANG MANGIIWAN SAYO. KUNG PIPILITIN MONG BIGYAN KAHULUGAN ANG MGA BAGAY-BAGAY. MAAARAING MAUBUSAN KA NA NG DAHILAN AT HINDI MO NA ITO MAIPALIWANAG.
NAAALALA KO ANG SINABI NG KARAKTER SA PABORITO KONG PALABAS. "WALA AKONG PROBLEMA DAHIL WALA AKONG NARARAMDAMAN." MANHID NA NGA BA SIYA DAHIL SA LABIS NA KALUNGKUTAN. KUNG SA BAGAY ITO ANG ITINURO NG PAMAYANANG KANYANG PINGMULAN. LUMAKI SIYA NA WALANG NAGTITIWALA, LUMAKI NG MY TAKOT AT PANGAMBA. NAIPIT SIYA NG WALANG KALABAN-LABAN HANGGANG HINDI NA NIYA ALAM KUNG BAKIT SIYA NABUBUHAY. WALA NA SIYANG KAILANGANG PATUNAYAN. LAHAT NG GAWIN NIYA AY WALANG HALGA PARA SA IBA. NABUHAY SIYA PARA MASAKTAN DAHIL ITO LNG ANG PARAAN NIYA PARA MABUHAY. NAWALA SA KANYA ANG LAHAT NG HINDI MAN LANG SINUSUBUKANG MAKUHA ITO. KAHIT ANG TOTOO WALANG MAWAWALA DAHIL KAHIT NOON AY WALA SIYA NG MGA ITO.

BATID KONG KALUNGKUTAN ANG HATID NG TALUMPATING ITO. WAWAKASAN KO NA ITO SUBALIT MAG-IIWAN SA INYO NG PAG-ASA. ANG SOLUSYON LAMANG DITO AY ANG PAGBIBIGAYAN, PAGPAPATAWAD AT PAGMAMAHALAN. ALAM KONG MARAMI SA ATIN ANG KARAKTER NA NABANGGIT. MALAYO PA ANG LANDAS NA ATING TATAHAKIN. HINDI PA ANG HULI ANG LAHAT PARA SA TUNAY NA KALIGAYAHAN. MALALAMAN DIN NATIN ANG KAHULUGAN KUNG BAKIT TAYO NABUBUHAY. DITO NATIN MALALASAP ANG TUNAY NA KALIGAYAN. MARAMING SALAMAT!

ANG KAHIRAPAN AY HINDI HADLANG SA PAG-AARAL

ARLENE B. ROMAN

DITO AKO NAMULAT ANG AKING ISIPAN AT ANG AKING IDOLO SA PAG-AARAL AY ANG AKING TIYUHIN NA SI DR. RICO S. ROMAN. NA NGAYON AY ISANG PUNONG GURO.

NABANGGIT KO SA INYO ANG MGA KATAGANG ITO SAPAGKAT ANG INYONG LINGKOD AY NANGGALING SA NAHIRAP NA PAMILYA. ANG AKING AMA AY ISANG MAGSASAKA. BUTIHING MAY BAHAY NAMAN ANG AKING INA. KINAKAILANGAN KONG MAKATAPOS SA PAG-AARAL PARA MAKATULONG PA LALO SA AKING PAMILYA. ELEMENTARYA PA LAMANG AY NAGLALARO NA AKO NG SOFTBALL, ANG AKING PAGLALARO AY NADALA AQ SA IBA'T-IBANG LUGAR NG PILIPINAS AT NATULONG DIN ITO SA AKING PAG-AARAL.

BATID KONG ANG AKING GALING SA SPORTS AY HINDI PA RIN PANGHABANG-BUHAY KAYA NAMAN PIPILITIN KONG MAKATAPOS NG PAG-AARAL. KAYA KAYO PARA ITO SA INYO. MAYAMAN MAN O MAHIRAP KAILANGAN NATIN ANG EDUKASYON DAHIL ITO AY PANGMATAGALAN AT HINDI MANANAKAW NINU MAN. MULI MARAMING SALAMAT!

Thursday, September 3, 2009

Kabataan

Jhon Jhon Alcala

Mga minamahal kong kamag-aral at aking guro magandang araw sa inyong lahat
Ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan... subalit madaming kabataan naliligaw ng landas. madaming kabataan ang nalulung sa masamang bisyo...

Bisyo na nagdadala sa atin sa kapahamakan. Bisyo na droga na sumisira sa kinabukasan ng isang daang libong kabataang nalulung... droga na nagtutulak na gumawa ng krimen at karahasan.

Sino ba talaga ang dapat sisihin sa mga kabataang nalulung sa droga
ilang kabataan pa ang magiging biktima ng droga??/
Labanan natin ang droga sa pamamagitan ng pagiging matatag sa tukso..

Kapayapaan

Atalie O. Arguil

Ano ba ang kapayapaan? Meron ba tayo nito? Saan natin makikita ito? Ito lamang ang tatlo sa mga katanungan ng kabataan natin ngayon. Bilang isa sa mga kabataan hindi natin alam ang ibig sabihin ng "KAPAYAPAAN" sa kadahilanan ng mga nangyayari sa paligid natin.

Maraming karanasan ang binabalita sa pahayagan, telebisyon at radyo. Parang pangkaraniwang musika na ng ating tainga sa ngayon ang mga patayan sa iba't-ibang sulok ng bansa. Sabi nga ng mga nakatatanda mahirap na matagpuan sa bawat isa sa atin ang salitang kapayapaan. "Kapayapaan pagmamahal sa iyong sarili at sa iyong kapwa" ito ang tunay na ibig sabihin ng kapayapaan. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit, hindi madamot sa mga bagay na mayroon siya. pagbibigyan at pagintindi sa bawat isa. Mahirap makuha ito sa ngaun ngunit sa tulong ng bawat isa at pagmamahal sa kapwa makakamit natin ito. Makikita ito sa bawat isa sa atin kung mag uunawaan tayo at tamang pagkakaintindihan makakamit natin ito.

Bilang isang kabataan sisikapin ko na ipakita sa sarili kong pamamaraan ang salitang "KAPAYAPAAN" sa pamamagitan ng pagmahal ko sa aking sarili at mga taong nakapaligid sa akin.

Kahalagahan ng Kalikasan

Angelo Asendido

Malaki ang ugnayan ng tao at ng kalikasan. Sa loob ng mahabang panahon,malaki na ang naging pakinabang ng tao sa kalikasan.Ngunit alam nga ba ng ilan kung paano tayo natutulungan ng kalikasan?Sa anong paraan at kung kailan? Ano nga ba ang kahalagahan sa atin ng kalikasan?

"Kalikasan",simpleng katawagan sa lugar kung saan tayo naninirahan at kumukuha ng pangangailangan.Pagkain,damit at tirahan,tatlo lamang sa pangangailangan ng tao para mabuhay.Kung ating mapapansin sa ating kapaligiran,ang mga nagtataasan at naggagandahang kabundukan,mga ilog,lawa at malalawak na karagatan,hindi ba't nagbibigay ito sa atin ng ating mga kailangan. Ngunit sa daan-daang taon na ugnayan ng tao sa kalikasan, nariyan ang pandaigdigang pag-init ng mundo, pabago-bagong klima, pagbaha at pagami ng basura.

Hahayaan lang ba natin na masira at tuluyang mawala ang biyaya na bumubuhay sa atin? Hahayan na lng ba na sama-samang masira,dahil sa kasalanang ating pinasimulan.

Kaunlaran

Aldwin Bangajo

Lahat ng tao sa mundo ay halos naghihikahos at salat sa buhay, naghahangad ng kaunlaran. Ngunit paano ba natin ito makakamit? Paano tayo makaka-ahon kung ang mga tao ay katamaran ang pinaiiral.

Dapat habang maaga pa ay kumilos na tayo at magbago, baguhin ang pagiging tamad at maging responsable at masipag, walang ibang tutulong sa ating kundi ang sarili natin. Kung kaya itanim sa puso`t isip na walang makakamit at mararating sa buhay kung wala tayong ginagawa. Magsumikap tayo para makamit ang mga pangarap natin sa buhay maging masipag at maniwala sa sarili upang makaahon sa kahirapan.

Magsamasama tayo at isulong ang pagbabago siguro hindi makikita ang resulta ngayon pero ang masisiguro ko na bukas makalawa ang pilipinas ay mag babago at makakaahon sa hirap at tayong maging maunlad.

Katamaran

Alvin John Bicomong

Ang mga tao ngayon ay puro mga tamad hindi naghihirap para makamit ang kanilang mga pangarap, paano ba natin ito matatangal sating mga pag-uugali? Paano tayo uunlad kung di tayo nagsisikap?

Dapat tayong mag bago, magsumikap tayo para umunlad nakasanayan natin na umasa sa iba matututo tayong umasa sa ating mga sarili. Walang ibang tutulong sa atin kundi tayo mismo hindi ba?

Ngayon na ang panahon para magbago hindi bukas o sa susunod na araw kundi dapat ngayon magsumikap tayo para mapaunlad ang ating mga buhay hindi lang para sa atin, kundi para sa lahat.

Gusto mo bang maging isang bayani?

Christian Mark Capili

Sa aking mga guro at aking mga kaklase at sa lahat ng nandirito isang mapagpala at magandang hapon sa inyong lahat. Nandirito ako ngayon sa inyong harapan upang ipalawanag sa inyo ang ilang bagay-bagay na kailangan natin pahalagahan at tularan. Sino sa inyo ang gusto maging isang bayani? Maari ba tayong maging isang bayani? Paano ba maging isang bayani? Mahirap ba ang maging bayani?

Ayon sa ating kasaysayan marami ang naging bayani sa pagtanggol sa ating bayan sinilangan. Sila ang bayani tulad nila Apolinaryo Mabini, Andres Bonifacio, Lapu-lapu, Gat Jose Rizal marahil alam natin ang kanyang naranasan sa talambuhay nila. Mahirap ngunit nakaya nila ang lahat ng naranasan at nalagpsan nila itinuring natin silang bayani sapagkat nagawa nila ang ilang bagay na alam nating hindi kayang gawin ng ilan sa atin at sa lahat ng sakripisyong ginawa nila para sa ating nanatili pa rin silang buhay sa ating isipan.

Mga kaklase at sa lahat ng nandirito gumawa tayo ng isang magandang bagay na makakatulong tayo sa iba sa paraang ito nakakapag-iwan tayo ng isang magandang ala-ala sa mga taong tinulungan ninyo muli magandang hapon sa inyong lahat.

Pagunlad

Franckle Celestial

MAYROON PA BA TAYONG PAG ASANG UMUNLAD? IYAN ANG MADALAS MAITANONG NATIN SA ATING SARILI. MINSAN NAGTATAKA AKO BA’T KAYA MAUNLAD NAMAN TAYO AH. MAY PAMPUBLIKONG PAARALAN,KALSADA AT HOSPITAL. PERO BA’T MAY ILAN NA PILIT PA RIN NA BUMABATIKOS SA ATING GOBYERNO?

ITO ANG MENSAHE KO SA KANILA, TIGILAN NA NATIN ANG PAGBATIKOS SA ATING GOBYERNO. UMUUNLAD TAYO, YAN ANG MASASABI KO SA INYO. TAYO LAMANG NA BUMABATIKOS, KUMUKUTSYA AT SUMISIRA SA PANGALAN NG GOBYERNO ANG PROBLEMA. BA’T DI NALANG TAYO MAGTRABAHO, GUMAWA NG MGA BAGAY NA MAKAKABUTI SA ATIN AT SA ATING KAPWA.

MAKAKATUKONG PA TAYO SA BAYAN. WIKA NGA NILA NAKASALALAY SA MAMAMAYAN ANG ANG IKA-UNLAD NG KANYANG BAYAN. HANGANG DITO NALANG PO SANA AY KINAPULUTAN NINYO NG ARAL ANG AKING MGA SINABI,HANGANG SA MULI.

Edukasyon

ni: Rean P. Del Valle

Bawat estudyante ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay..Ang edukasyon lang ang susi sa atin mga pangarap ng ating buhay..Maituturing ginto ang edukasyon sapagkat ito ay napakahalaga sa ating buhay..Higit natin magagamit ang edukasyon sa mga darating na panahon..Mga mahal kong kamag aral sabay-sabay nating tuklasin ang kahalagahan ng edukasyon...



Simula nung tayo'y mga bata pa lamang ay meron na tayong mga ambisyon sa buhay..DApat sa pagtungtong natin ng 5 pataas dapat ay tayo ay nag aaral na sapagkat tayo daw ang pag asa ng bayan kaya obligado na tayong pumasok sa eskwelahan pati sabi din ng ating mga magulang edukasyon lang daw ang tanging nilang maipapamana..Kaya dapat tayong mag aral ng mabuti para hindi masayang ang kanilang hirap at pagod nila sa atin..kaya dapat natin suklian ng magagandang grado at magandang asal..

Last Trip

Mark Jahzeiah C. Isles

"Ang buhay ay tulad din ng biyahe sa jeep" nasabi ko ito mula sa mga karanasan kong lagi nalang last trip pauwi. Bakit naman? Bakit kaya sa buhay ko naikumpara ang biyaheng last trip?

Tulad ng biyaheng last trip ang buhay ay minsa'y masaya ngunit nandiyan din naman ang mga panahong nakakalungkot, lalo na kapag solo ka at walang pamasahe. Masaya kapag kasabay mo ang mga kaibigan mo at may pamasahe ka syempre, dagdagan mo pa ng katabing mga ubod ng gandang binibini at kwentuhang nagpapaingay sa loob ng jeep kaya ang mga napara hindi naririnig ng drayber. Kalimitan sa din last trip ang punuan sa jeep, kaya naman pag minsan sabit ka nalang, ang masaya doon wala kang bayad, mangangawit ka nga lang tapos mabubwisit ka pa pag umulan. Pero gaya nga ng bawat istorya mayroong pumapasok na hindi maganda andyan kapag ang tagal mong naghintay ng last trip tapos nag-iisa ka. Walang kakwentuhan inaantok ka na hindi ka makatulog kasi naka-sabit ka, ang pinaka-masaklap pa doon sisingilin ka ng drayber pagbaba mo. Ok na sana kung mayroon mang kahit isang masisilayang magandang binibini sa loob pero kahit iyon ipinagkait pa! Grabe oh!

Kaya naman ang bawat nararanasan ko sa aking pang-araw-araw na buhay ay lagi kong pinag-iisipan dahil alam kong kahit papaano may matututuhan ako mula sa mga ito. Ang mga natututhan ko naman ay naghahanda sa akin sa mga karanasan ko pang mararanasan. Ikaw ano ang kwento ng buhay mo?

Basura Sobra Na!

John Kenneth Lagdameo

Basura, Sobra Na. Tapon dito, tapon don!!. Paano nga ba natin maiiwasan ang pagdami ng basura sa ating bayan ? Ano-ano ang mga dapat nating gawin upang malutas ang ating suliranin sa basura? Narito ang ilang paraan kung paano natin maiiwasan ang pagdami ng basura.

Malala na ang problema sa basura sa mga lungsod sa ating bansa. Sa paligid, makikita ang mga nilalangaw at namamahong basura na walang pakundangang itinatapon ng ating mga kababayan sa mga daan . Hindi naman ito makakayang hakutin ng mga basurero dahil sa kakulangan ng mga trak ng basura at ng mga lugar na mapagtatapunan. Panahon na upang humanap tayo ng alternatibo sa paggamit ng basura. Kailangan ang pagre-recycle ng basura. Makakatulong pa ito upang kumita mula sa basura. Kailangan ding turuan ang bawat pamilya na makiisa sa pagre-recycle ng basura.

Sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay ng bawat uri ng basura tulad ng mga papel, bote, lata, at plstik, madaling mahahakot ang mga ito at madadala sa mga recycling center. Dahil ditto mababawasan ang mga nagkalat ng basura at sahalip nakakatulong pa ito sa ating bansa.

Ang Kabataan sa Panahon Ngayon

Dindo Natanauan

Ano nga ba ang kabataan sa panahon ngayon? Hindi naman lingid sa ating kaalaman ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na "Ang Kabataan ang syang pag-asa ng ating bayan", paano mo ito ipaglalaban? Maraming kabataan sa panahon ngayon ang maagang naliligaw ng landas, dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Ito ang dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng ilan sa ating kabataan. Ang hindi mapuksang pagkalat ng droga at at iba pang ipinagbabawal na gamot ang nagtutulak sa isipan ng mga kabataan na gumawa ng krimen, mga marahas na nagdudulot ng kanilang kapamahakan. Masasabi na pa nilang sila'y pag asa ng ating bayan?

Meron na ring kabataan sa panahon ngayon ang menor de edad pa lamang ay meron nang asawa ngunit kadalasan ay maaga rin silang naghihiwalay dahilan rin ng kakulangan nila sa kaalaman sa pamumuhay bilang isang magulang. Hindi na nila natapos ang kanilang pag aaral sapagkat nahihirapan silang pagsabayin ang pag aaral at pag aalaga sa kanilang anak. Meron din naman na gusto pa ring tapusin ang pag aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak nagkulang ba ng pangaral ang ating mga magulang o sadyang tayo ay hindi sumusunod at may katigasan. Nakakalungkot isipin na may kabataan sa panahon ngayon ang nasira na ang buhay. May pag-asa pa kaya ang ating bayan kung ganito na ang lahat ng kabataan? Kaya't mapalad tayong mga kabataan na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.

Huwag nating sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa atin ng panginoon sapagkat meron pang magandang kinabukasan ang naghihintay sa atin. Maging huwaran tayo sa magandang pag-uugali upang mamulat ang marami pang mas nakababata sa atin na sa magandang asal. Bilang pangwakas meron akong katanungan sa inyong isipan. Ikaw bilang isang kabataan, anong tulong ang iyong maibabahagi tungo sa pag-unlad na ating bayan?

Pagsusumikap

John Florenze Mital

Sa araw-araw na tayo ay nabubuhay maraming problema ang ating nasasalubong kung minsan hindi natin matiis ang paghihirap na ating nararanasan ngunit kailangan nating maging matatag upang maharap ang mga pag-subok. Pagtitiyaga at pag susumikap lang ang kailangan.

Kailangan natin maging masipag, matyiga at magkaroon ng pagsusumikap upang umunlad ang ating buhay, ang bansa natin ay lugmok sa kahirapan sapagkat ang bawat tao ay hindi nagsusumikap puro pandaraya, pangungutong, panduruga, katiwalian, kurapsyon at marami pa ang ating pinapairal kaya hindi tayo umaangat sa buhay.

Kung kaya ang aking konklusyon ay kung sana mawaglit ang masasamang katangian na ating pinapairal di sana tayo naghihirap. Hindi tayo baon sa utang at namumuhay sana tayo sa bansang may kaunlaran kaya itong masasabi ko mag sumikap tayo para umunlad hindi para sakin o para sayo ito kung hindi para sa ikabubuti ng lahat.

Sisilay pa ba ang Araw ng Pilipinas

Rene Jay Piamonte

Bansang Pilipinas, isang prudoktibong at papaunlad na bansa, bansang pinagmulan ng mga mahuhusay na atleta, masisipag na mga skilled worker, magagaling na nurses, at matatlinong imbentor. Ngunit bakit hindi tayo umuunlad at hindi naaahon ang bansa sa pagkakalugmok sa pagkakautang at kahirapan.

Kung ating pagbabasihan ang mga katangiang ito. Bakit hindi tayo umuunlad? Ngunit ano ang nasa likod ng tanong na ito? Kung mapapansin natin sa ating bansa, puno ng kurapsyon, katiwalian, pang aabuso, krimen at marami pang iba, ngunit kailan pa mapuputol ang kasamaang ito, kailan pa uunlad ang ating bansa? Bukas ba? Sa susunod na linggo o buwan? Sa mga susunod na taon? Siguro baka hindi na.

Kaya tayo ay binigyan ng Diyos ng isip, puso at kanya-kanyang abilidad upang mapa-unlad ang isat-isa at sa mabuting gawain. Kung ang mga ito ay nagagamit sana ng tama, sigurado ako na sisilayan pa ng araw ang ating bansa. Hindi pa huli ang lahat.

~" Ang Ating Ilog"~

Genisis V. Placente

Ang ating ilog ay kapakipakinabang para sa atin . Maswerte tayo dahil meron tayong ilog na masagana sa likas na yaman . Pero sa ngaun ang ating ilog ay sobrang kontaminado na. Bakit??

Dahil sa mga taong nagtatapon ng mga basura , dumi , o kaya ay mga "chemical waste" sa ating mga ilog . halimbawa , pwede paba tayong maligo sa ating ilog sa ngaun?? diba hindi na !! Kase ang ating ilog ngaun ay sobrang kontaminado na !! Kung tayo ay maliligo ngaun sa ating ilog ,, maaari pa tayong makakuha ng sakit ,, dulot ng kontaminadong tubig ng ating ilog ngaun !!

Pwede pabang maging malinis at maganda ang ating ilog ?? Para sakin ,, pwedeng pwede pa !! Paano ?? Sa pamamagitan ng pagtigil sa pagtatapon ng mga basura o dumi dito !! dahil para sakin ,, maswerte tayo dahil meron tayong ilog na pwedeng maging kapakipakinabang sa ating lahat !!

Mensahe sa aking mga kamag-aral

Nathaniel A. Salabsab

Mga kamag-aral mayroon akong isipan na nais ko lagi ninyong alalahanin. Na kayo ay mga mag-aaral. Na ang paaralan ang inyong pangalawang tahanan. Na kailangan alagaan ninyo ito, para sa inyong sarili, para sa inyong mga guro at para sa kapwa ninyo mag-aaral.

Ang inyong mga guro sa paaralan ay matatawag ninyong pangalawang magulang. Na kailangan irespeto, tulad ng pagrespeto ninyo sa inyong mga magulang. Ang inyong paaralan ay dakila. Dakila ang tungkulin nito. Sa mga gintong aral na ibinigay ng inyong paaralan, may naghihintay sa inyo na magandang kinabukasan. Ang inyong paaralan ngayon ay pinararangalan ng mga pinunong matao's na nagmamahal, nagsisilbi ng hindi makasarili at may tapang ng loob. Ang inyong paaralan kinabukasan ay magiging paaralan ng mga mararangal na mag-aaral. Isang paaralan na taas noo ninyong maipagmamalaki saan man kayo mapadpad.

Isang paaralan ng mga masisipag na mag-aaral
at sama-samang magsisikap na paunlarin ang daigdig natin ngayon.

Pagsubok

Laser Dexter Salva

Sa araw-araw na ginawa ng ating panginoon ay laging may kaakibat na pagsubok o hamon dahil para malaman niya kung handa tayo sa lahat ng oras. Paano nga ba maging handa sa mga pagsubok na ating haharapin?

Para maging handa sa mga pagsubok na ating haharapin kailangan tayo ay matatag at may lakas ng loob sa lahat ng oras pero may mga pagsubok tayo na mahirap hanapan ng lunas ngunit ngunit mahahanap lamang iyon kung tayo ay mag tiya-tiyaga na hanapin ito dahil para masolusyonan ang an gating mga problema. Ihahalimbawa na lamang natin dito ang mga tao na may sakit na kanser alam naman nating lahat ito ay nakakamatay na sakit pero ang mga taona may sakit na kanser ay hindi nasuko dahil umaasa sila na sila ay gagaling dahil nilalabanan nila ito at naghahanap sila ng lunas para dito.

Kung kaya, kailangan lang ay magtiwala sa sarile para malampasan natin ang ating mga pagsubok na ating kakaharapin.

Global Warming, ano ba ito?

ni: Jan Albert Sunico

Magandang hapon sa inyo mg mahal kong kamag-aral. Narito ako ngayon sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang nagaganap at nangyayari sa ating inang kalikasan. Naririnig niyo ba ang balita tungkol sa Global Warming? ang bigla-biglaang pagbabago ng panahon, mataas na temperatura at pagtaas ng lebel ng tubig ng dagat? Ang lahat ng ito ay bunga ng pag-init ng mundo o nang tinatawag nilang Global Warming.

Ang Global Warming ay isang pangyayaring patuloy na magaganap sa ating daigdig. Ito ay ang patuloy na pag-init at pagtaas ng temperatura sa ating mundo, sanhi ng pagsusunog ng plastic, usok na nanggagaling sa mga sasakyan, sa mga pabrika at marami pang dahilan na nagpapalala dito. Dahil sa mga usok at kemikal o tinatawag na Greenhouse Gasses nasisira ang atmospera dahila para pumasok ang sobrang init ng araw sa ating planeta. Isa pa sa dahilan ng pag-init ng mundo ay ang pagkaubos ng mga puno at halaman. Ang mga puno at halaman ang ngabibigay sa atin ng hangin na ating nalalanghap. Kapg nagpatuloy pa ang init na ito ng mundo, paano na tayo?

Mga kaibigan hahayaan ba nating magpatuloy pa ito? hindi pa huli ang lahat. Marami pa tayong magagawa, katulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar. pagre- recycle ng mga bagay na pede pa. At higit sa lahat ang magkaroon tayo ng sariling disiplina.

“ANG PATULOY NA PAGLAGANAP NG KAHIRAPAN SA BANSA”

ni Aileen Desamero



Bakit nga ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Bakit marami ang dumaranas ng isang mahirap at salat na pamumuhay? Masasabi bang isang maunlad na bansa ang pilipinas? Sa iyong palagay tayo ba ay nasa isang maunlad at hindi kapos na antas ng pamumuhay? Marami tayong pangangailangan na hindi masolusyunan ng gobyerno . narito ang ilang kaisipan na maaring makatulong sa atin upang lutasin an gating mga suliranin.

Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema n gating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila an gang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na antin kayang tustusan? Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kalian pa tayo kikilos upang magbago ang takbo n gating buhay?

Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa. Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga upang umunlad an gating buhay!