Thursday, September 3, 2009

Global Warming, ano ba ito?

ni: Jan Albert Sunico

Magandang hapon sa inyo mg mahal kong kamag-aral. Narito ako ngayon sa inyong harapan para ipabatid at ipaalam sa inyo ang nagaganap at nangyayari sa ating inang kalikasan. Naririnig niyo ba ang balita tungkol sa Global Warming? ang bigla-biglaang pagbabago ng panahon, mataas na temperatura at pagtaas ng lebel ng tubig ng dagat? Ang lahat ng ito ay bunga ng pag-init ng mundo o nang tinatawag nilang Global Warming.

Ang Global Warming ay isang pangyayaring patuloy na magaganap sa ating daigdig. Ito ay ang patuloy na pag-init at pagtaas ng temperatura sa ating mundo, sanhi ng pagsusunog ng plastic, usok na nanggagaling sa mga sasakyan, sa mga pabrika at marami pang dahilan na nagpapalala dito. Dahil sa mga usok at kemikal o tinatawag na Greenhouse Gasses nasisira ang atmospera dahila para pumasok ang sobrang init ng araw sa ating planeta. Isa pa sa dahilan ng pag-init ng mundo ay ang pagkaubos ng mga puno at halaman. Ang mga puno at halaman ang ngabibigay sa atin ng hangin na ating nalalanghap. Kapg nagpatuloy pa ang init na ito ng mundo, paano na tayo?

Mga kaibigan hahayaan ba nating magpatuloy pa ito? hindi pa huli ang lahat. Marami pa tayong magagawa, katulad ng pagtapon ng basura sa tamang lugar. pagre- recycle ng mga bagay na pede pa. At higit sa lahat ang magkaroon tayo ng sariling disiplina.

No comments:

Post a Comment